Sunday, August 30, 2009

Bayani ba si Cory?

Bayani ba si Cory "Cojuanco" Aquino?, ang asawa ng dating senador na si Benigno "Ninoy" Aquino.

Ang pumalit sa pamahalaang diktaturya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos?

Ang ina ng demokrasya???

Para sa mahirap?, Para sa kapayapaan?

Hacienda Luisita. Ang malaking lupain na matatagpuan sa Tarlac, na pagmamay-ari ng pamilya Cojuanco. Maraming karahasan na ang nangyari sa lupaing ito, dahil nais ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na mapamahagi naman ng pamilyang Cojuanco sa kanila ang kanilang lupang sina-saka.

Isa rin itong katuparan sa Comprehensive Agrarian Reform (CARP), na naisabatas sa panahon ng Administrasyong Aquino.

Ngunit wala ni isang magsasaka ang napamahagian ng lupa ng pamilyang Cojuanco. Dadapwa't nagkaroon pa ng karahasan sa lupaing ito, at marami rin ang buhay na nawala.

Ang tanong, may nagawa ba si Cory "Cojuanco" Aquino? May napamahagian na bang magsasaka ng lupa na pagmamay-ari ng pamilyang Cojuanco?

Kamusta na kaya ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita? Kamusta na kaya ang mga pamilya ng mga magsasakang pinaslang dahil sa kanilang pag-protesta sa Hacienda Luisita, ang lupain ng pamilyang Cojuanco, ang pamilyang kinabibilangan ni Cory Aquino!

Bayani ba si Cory?! Isa syang hipokrito!


3 comments:

  1. I added your blog to the list at http://pagodkanaba.blogspot.com . Tama ka na hindi perpekto si Cory at kahit nga ang utang natin dapat hiningi nya na icondone pero hindi nya ginawa... pero magkagayon pa man malaki na rin ang naitulkong nya sa ating bansa.

    Umaasa ako na ngayong eleksyon ay tataya tayo at tutulong kay Nick Perlas sapagkat iba sya sa lahat... sana kasama ka namin dun.

    ReplyDelete
  2. bro, i hope i can make another interview with some of the key players of the issue on aerial spray like i did when i was with the businessworld in 2006... anyways i try to gather updates about it through secondhand data. keep up the good work bro -- nagpapamulat sa ating lahat. :-) best regards...

    ReplyDelete
  3. . . . may isang forum pa nga akong nabisita na balak gawing "saint" si ex-pres. cory. lolz-

    ReplyDelete