Friday, September 18, 2009

Montalban Landfill

Muntik na kong mapahamak sa walang lugar kong katapangan...
Biruin mong nag-away na si DENR Sec. Lito Atienza at Montalban Mayor Pedro Cuerpo
at may balak pa kong manggatong! hahahaha

Buti na lang duwag si Atienza at tumakas na lang siya sa kawalan, dahil wala siyang maisasagot
sa mga isyung patungkol sa Landfill sa Montalban. Hanggang salita na lamang siya na mayroong "Report" ang DENR tungkol sa problema sa landfill ng Montalban. Ngunit wala naman siyang mapakitang dokyumento.

Kung magkataong hindi muna umeskapo si Atienza sa Press Con eh malamang nagsapakan na sila ni Mayor Cuerpo at malamang napagbantaan na niya ko dahil sa panggagatong ko.

Ang isyu sa Montalban Landfill ay kasalukuyang itinatago sa media, at wala ni isang istasyon sa TV ang makapasok rito, dahil hinaharangan ni Governor Jun Ynares. Protektado din ito ng mga armadong tauhan ng gobernador.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit walang lakas na loob ang mga media outfit na magtanong tugkol sa isyung ito, at hinintay pa nila na ako ang mag-bukas ng topic upang hindi sila mapahamak. Naturingan pa naman silang "walang kinikilingan at walang pinoprotektahan", at "naglilingkod saan man sa mundo", pero anu? duwag din pala sila.

Wednesday, September 16, 2009

Ano nga ba ang totoo sa Dacer-Corbito?

Ano nga ba ang totoo sa Dacer-Corbito double murder case?

Binaril ang sasakyan, binitin na patiwarik, at sinunog ng buhay. Iyan ang sinabing paraan ng pagpatay sa Publisict na si Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Emmanuel Corbito. Ito ay ayon kay former policeman Cesar Mancao.

Ang pagpatay daw na ito ay mula sa utos ng dating PNP Chief of Staff na si Senador Panfilo "Ping" Lacson, na utos naman daw ni dating pangulong Joseph "Erap" Estrada.

Pero sa anung kadahilanan? Ayon sa sasabi ay ito raw ay dahil may nalaman ang Public Relations (PR) man ni Erap, na si Bubby Dacer na isang kabulastugan ng dating pangulo. At ng malaman ito ni Erap ay pinapatay na ninya ito upang hindi na maisa-publiko pa kung ano man ang nalaman ni Bubby Dacer.

Pero anu pa ba ang pwedeng dahilan? Maari bang hindi pulitikal ang dahilan?

Ayon kay Ping Lacson, hindi naman daw talagang patay si Bubby Dacer, isa lamang daw itong kalokohan, buhay daw ito at nagtatatgo sa ibang bansa. Ang katanungan ay may katotohanan ba ito ng kahit kaunti? Anu nga ba ang basihan ng teoryang buhay pa si Bubby Dacer?

Nakita ng mga awtoridad ang sinasabing "crime scene" na kung saan ay natagpuan ang pinaghihinalaang sunog na bangkay ni Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Cesar Mancao, isa sa nagpatibay na bangkay nga yun nila Dacer at Corbito ay ang kanilang sasakyan na nakita din sa crime scene.

Ngunit alam nyo ba ng sinuri ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang pinaghihinalaan na bangkay, ay wala silang nakitang "human dna?"
At ang ginamit na pang-identify sa bangkay na "denture" ni Bubby Dacer ay ang pustiso na iniabot ng asawa ni Dacer sa mga awtoridad?

Dahil dito maaari ngang buhay pa ang PRman na si Bubby Dacer? Ngunit nasaan na sya? Bakit pinalabas na patay na siya?

Isa sa mga dahilan na nakikita ay sa nature ng work ni Bubby Dacer ay malaki ang insurance nya pag siya ay namatay. Kaya pinalabas niyang siya ay patay upang ma-claim ng pamilya nya ang milyones na insurance niya.

Friday, September 4, 2009

Politikong Nagbibigay ng Lagay

Ang impormasyong ito ay para sa mga media-men na gustong malaman kung sino sa mga opisyal ng gobyerno o mga ahensyang gobyerno man o pribado na nagbibigay ng lagay o "token" pag inyong ki-nover ang kanilang event o pinuntahan ang kanilang press-con, o project.

1.) Manila City Government- Mayor Alfredo S. Lim
2.) Paranaque City Government- Mayor Florencio M. Bernabe Jr.
3.) Quezon City Government- Mayor Sonny Belmonte
4.) Metro Manila Development Authority (MMDA)- Chairman Bayani Fernando
5.) Department of Interior and Local Government (DILG)- Sec. Ronnie Puno
6.) Presidential Anti-Graft Commission
7.) Department of Defense- Sec. Gilberto "Gibo" Teodoro
8.) Senator Loren Legarda
9.) Senator Francis "Chiz" Escudero
10.) Pasay City Government- Mayor Peewee Trinidad
11.) Taguig City Government- Mayor Sigfrido Tinga

*note: Ang listahang ito ay maliit lamang, pero ang mga politiko o ahensyang nakalagay dito ay 100% na nagbibigay ng lagay o "token" sa mga media-men. Wala akong nilagay na pangalan ng mga "CONGRESSMAN", sa kadahilanan na kung iisa-isahin ko sila ay mapupuno na ang blog ko. Hindi ko din nilagay kung anung media outfit naman ang tumatanggap ng lagay, dahil lahat po ng istasyon ay tumatanggap.*