Wednesday, September 16, 2009

Ano nga ba ang totoo sa Dacer-Corbito?

Ano nga ba ang totoo sa Dacer-Corbito double murder case?

Binaril ang sasakyan, binitin na patiwarik, at sinunog ng buhay. Iyan ang sinabing paraan ng pagpatay sa Publisict na si Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Emmanuel Corbito. Ito ay ayon kay former policeman Cesar Mancao.

Ang pagpatay daw na ito ay mula sa utos ng dating PNP Chief of Staff na si Senador Panfilo "Ping" Lacson, na utos naman daw ni dating pangulong Joseph "Erap" Estrada.

Pero sa anung kadahilanan? Ayon sa sasabi ay ito raw ay dahil may nalaman ang Public Relations (PR) man ni Erap, na si Bubby Dacer na isang kabulastugan ng dating pangulo. At ng malaman ito ni Erap ay pinapatay na ninya ito upang hindi na maisa-publiko pa kung ano man ang nalaman ni Bubby Dacer.

Pero anu pa ba ang pwedeng dahilan? Maari bang hindi pulitikal ang dahilan?

Ayon kay Ping Lacson, hindi naman daw talagang patay si Bubby Dacer, isa lamang daw itong kalokohan, buhay daw ito at nagtatatgo sa ibang bansa. Ang katanungan ay may katotohanan ba ito ng kahit kaunti? Anu nga ba ang basihan ng teoryang buhay pa si Bubby Dacer?

Nakita ng mga awtoridad ang sinasabing "crime scene" na kung saan ay natagpuan ang pinaghihinalaang sunog na bangkay ni Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Cesar Mancao, isa sa nagpatibay na bangkay nga yun nila Dacer at Corbito ay ang kanilang sasakyan na nakita din sa crime scene.

Ngunit alam nyo ba ng sinuri ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang pinaghihinalaan na bangkay, ay wala silang nakitang "human dna?"
At ang ginamit na pang-identify sa bangkay na "denture" ni Bubby Dacer ay ang pustiso na iniabot ng asawa ni Dacer sa mga awtoridad?

Dahil dito maaari ngang buhay pa ang PRman na si Bubby Dacer? Ngunit nasaan na sya? Bakit pinalabas na patay na siya?

Isa sa mga dahilan na nakikita ay sa nature ng work ni Bubby Dacer ay malaki ang insurance nya pag siya ay namatay. Kaya pinalabas niyang siya ay patay upang ma-claim ng pamilya nya ang milyones na insurance niya.

No comments:

Post a Comment